Bilang ng mga naka-admit na COVID patient sa PGH, nasa higit 100 na lamang

155

Nasa 138 na lamang ang bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 na naka-admit sa Philippine General Hospital (PGH).

Sa nasabing bilang ng naka-admit na COVID patient, nasa 135 ang kumpirmadong kaso habang 3 ang hinihintay ang resulta ng pagsusuri.

Pumalo naman sa 5,350 ang bilang ng mga pasyente na nakarekober sa COVID-19 kung saan pawang nakalabas na rin sila ng hospital.


Nasa 1,639 na ang bilang ng nasawi habang umabot sa 7,164 ang kabuuang bilang ng mga dinalang pasyente may COVID-19 sa PGH mula noong February 2020.

Nasa 20,443 naman ang bilang ng mga healthcare worker ng PGH ang isinailalim sa COVID test simula noong March 2020 kung saan 1,820 sa kanila ang naitalang nagpositibo sa virus na nasa maayos naman na kalagayan.

Facebook Comments