Bilang ng mga naka-granular lockdown sa buong bansa, bumaba sa 300

Bumaba ng 113 ang bilang ng mga lugar sa bansa na isinailalim sa granular lockdown na ngayon ay nasa 300 mula sa dating 413.

Batay sa datos ng Philippine National Police o PNP Command Center, binubuo ito ng 264 na mga barangay mula sa 42 na mga lungsod at bayan sa buong bansa.

Dahil diyan, apektado ng granular lockdown ang may 1,365 na pamilya katumbas ng 3,679 na indibidwal kung saan, pinakamaraming naitala sa MIMAROPA region.


Mahigpit namang tinututukan ng may 335 na tauhan ng PNP, apat na tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) katuwang ang may 489 force multipliers ang mga apektado ng lockdown.

Facebook Comments