Patuloy na tumataas ang bilang ng mga residente na nakakarekober sa COVID-19 sa lungsod ng Pasay.
Sa datos ng Pasay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, nadagdagan ng 11 indibidwal na nakarekober sa COVID-19.
Dahil dito, umaabot na sa 5,938 ang kabuoang bilang ng mga nakakarekober sa virus na itinuturing ng lokal na pamahalaan ng Pasay na isang magandang development.
Nasa 124 naman ang aktibong kaso ng COVID-19 habang nakapagtala ng siyam na bagong kaso kung kaya’t umaabot na sa 6,228 ang kabuoang bilang ng kumpirmadong kaso.
Mula naman noong November 14 hanggang ngayong araw, nananatili sa 166 ang bilang ng nasawi sa COVID-19.
Muling paalala ng Pasay LGU sa mga residente na sumunod sa pinapairal na minimum health protocols kung saan nananawagan sila ng kooperasyon upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.