Bilang ng mga nakakarekober sa COVID-19 sa Pasay City, mas lalo pang tumataas

Mas lalo pang pursigido ngayon ang lokal na pamahalaan ng Pasay na paigtingin ang kanilang mga hakbang para malabanan ang COVID-19.

Ito’y dahil sa patuloy na pagtaaas ng bilang ng mga nakakarekober sa COVID-19 kung saan umaabot na sa 1,711.

Bukod dito, tuluy-tuloy rin ang ginagawa nilang contact tracing sa bawat residente na posibleng nahawaan.


Pinuri mismo ni Baguio Mayor Benjamin Magalong ang pagtatayo ng lokal na pamahalaan ng Pasay ng contact tracing command center nang bumisita ito sa lungsod dahil mas mabilis daw nilang nakukuha ang datos.

Base pa sa tala ng Pasay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, nasa 2,477 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19, 675 dito ang active cases habang nasa 91 ang naitalang nasawi sa sakit.

Samantala, simula sa August 15, 2020, ipatutupad na ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang “no face mask, no face shield, no ride” policy sa mga pasahero ng pampublikong transportasyon.

Ang nasabing kautusan ay isang hakbang para maiwasan ang hawaan sa bawat pasahero habang sila ay nasa biyahe.

Facebook Comments