Nadagdagan pa ng mahigit isang daan ang bilang ng mga pasyenteng nakarekober sa COVID-19 sa Quezon City.
Hanggang kahapon, umabot sa 121 ang naitala ng Quezon City Health Department na bagong recovery para sa 3,755 na kabuuang bilang.
Nananatili naman sa 302 na bilang ng mga nasawi.
Sa inilabas na ulat ng Department of Health (DOH), umabot na sa 6,880 ang confirmed cases ng COVID-19 sa Quezon City at 6,779 sa kabuuan nito ang validated cases ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices.
Nadagdagan pa ito ng 257 cases mula sa 6,522 reported cases noong nakalipas na araw.
Sa kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso, 2,722 rito ang aktibong kaso.
Sa ngayon, 12 lugar pa sa lungsod ang nasa ilalim ng special concern lockdown.
Pinakahuling nadagdag ang #113 Kamuning Road sa Barangay Kamuning at Ambuklao Alley sa Barangay Baesa.