Umabot na sa mahigit 60 milyong mga Pilipino ang nakapagrehistro, isang taon bago ang 2022 National Election.
Batay sa datos ng Commission on Elections (Comelec), 4.6 milyon dito ay mga bagong botante.
Nangangahulugan naman itong naabot na ng bansa ang target na 4 na milyong mga Pilino na makapagrehistro at makaboto sa unang pagkakataon sa eleksyon.
Hindi naman nabigyan ng pagkakataon ang Comelec na palawigin pa ang voter registration dahil mauubusan na ng oras para sa filing ng certificates of candidacy (COCs).
Itinakda ang paghahain ng COCs mula ika-1 hanggang 8 ng Oktubre.
Magtatapos naman ang voter registration sa September 30.
Facebook Comments