Bilang ng mga nakarekober na pasyenteng tinamaan ng COVID-19 sa PGH, patuloy na tumataas

30

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga pasyenteng nakakarekober sa COVID-19 sa Philippine General Hospital o PGH.

Sa datos na inilabas ng PGH, nadagdagan ng 36 ang bilang ng mga nakarekover sa COVID-19 kaya’t ang kabuuang bilang nito sa ngayon ay nasa 4,644 na.


Bumaba na rin sa 306 ang kasalukuyan bilang ng mga COVID-19 patient na naka-admit sa PGH.

305 sa nasabing pasyente ang kumpirmadong kaso habang ang isa ay hinihintay pa ang resulta ng isinagawang pagsusuri.

Nasa 1,380 naman ang bilang ng nasawing pasyenteng tinamaan ng virus sa PGH kung saan pumalo sa 6,315 ang naitalang bilang ng mga na-admit na COVID-19 patient sa nasabing hospital.

Facebook Comments