Bilang ng mga nakarekober sa COVID-19, nasa higit 3,000 ayon sa DOH

Naitala ngayon ng Department of Health (DOH) ang nasa 3,901 na indibidwal sa buong bansa na nakarekober COVID-19.

Dahil dito, pumalo na sa 2,725,257 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa nasabing sakit.

Nakapagtala rin ng 2,605 na karagdagang kaso ng COVID-19 kaya’t ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ay nasa 33,526.


Nasa 191 naman ang nadagdag aa bilang ng nasawi kung saan ang total nito sa ngayon ay nasa 44,430 na.

Ayon pa sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 5, 2021 habang mayroong dalawang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.5% sa lahat ng samples na nasuri at 0.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Umaabot naman sa 2,803,213 ang kabuuang bilang ng naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Facebook Comments