Aabot sa 6,987 ang naitalang bilang ng Department of Health (DOH) na mga nakarekober na indibdwal sa COVID-19.
Dahil dito, pumalo na sa 1,358,512 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa nasabing sakit sa buong bansa.
Bukod dito, nakapagtala rin ng 5,966 na karagdagang kaso ng COVID-19, kaya’t ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ay nasa 52,708.
91.2 percent sa nasabing bilang ng active cases ay pawang mga nakakaranas ng mild symptoms habang; 1.4 percent ang kritikal; 2 percent ang severe; 1.51 percent ang moderate at 3.8 percent ang asymptomatic.
Nadagdagan rin ng 86 ang pumanaw sa virus kung saan ang total nito ay nasa 25,149 na.
Sa kabuuan, ang bilang ng naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong bansa ay nasa 1,436,369.
Ayon pa sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 2, 2021 habang mayroong isang laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base naman sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng isang laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.21% sa lahat ng samples na nasuri at 0.06% sa lahat ng positibong mga indibidwal.