Pumalo na sa higit 700 ang bilang ng mga residente sa Las Piñas City na nakarekober sa COVID-19.
Karagdagang 28 recoveries mula sa iba’t-ibang barangay sa lungsod ang naitala ng Las Piñas City Health Office kung kaya’t umaabot na sa 725 ang kabuuang bilang ng gumaling sa COVID-19.
Umaabot naman sa 1,101 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 at 317 dito ay active cases.
Nasa 214 ang suspected, 137 ang probable case at nananatili sa 59 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19.
Tuluy-tuloy pa rin ang isinasagawang swab test sa bawat residente at mga frontliners sa Ligtas Center ng pamahalaang lungsod habang ang mobile swab testing ay patuloy na umiikot sa kada barangay para magsagawa ng pagsusuri sa mga bahay-bahay.
Muling panawagan ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas sa mga residente nito na sumunod sa mga health protocols na inilatag ng gobyerno at huwag na rin maging pasaway para hindi mahawaan ng virus.