Bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa lungsod ng Maynila, lagpas 2,000 na

Pumalo na sa higit 2,000 mga residente ng lungsod ng Maynila ang nakarekober sa COVID-19.

Sa datos ng Manila Health Department (MHD), nasa 2,485 ang bilang ng nakarekober habang nadagdagan ng anim na panibagong kaso ng nasawi sa COVID-19 kung kaya’t aabot na ang kabuuang bilang sa 199.

Umaabot naman sa 4,132 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Maynila habang nasa 1,448 ang active cases.


Nasa 494 ang suspected at aabot sa 209 ang probable cases.

Ang nasabing datos na inilabas ng MHD ay mula noong July 18 hanggang July 23, 2020.

Inihayag naman ni Manila Mayor Franciso “Isko” Moreno Domagoso na plano pa niyang dagdagan ang mga walk-in testing center bukod sa Ospital ng Sampaloc at sa bagong bukas nito sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center para mas lalong pang mapalawig ang pagsusuri sa bawat residente ng Maynila at mga residente sa kalapit na siyudad.

Facebook Comments