Pumalo na sa 132 ang bilang ng mga nakarekober sa sakit na Coronavirus Disease o COVID-19 matapos makapagtala ang Manila Health Department (MHD) ng 18 na mga pasyente na gumaling.
Base sa datos ng MHD, 782 na mga residente ng Lungsod ng Maynila ang nag-positibo sa COVID-19 kung saan 577 dito ay itinuturing na active cases.
Umakyat naman sa 1,048 ang bilang ng mga itinuturing na ‘Suspect’ habang 32 ang ‘Probable’ at 73 ang binawian ng buhay.
Pinakamaraming kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Tondo District-1 na nasa 123 ang active cases at 314 ang suspected habang ang Sampaloc District naman ay mayroong 116 active cases at 163 ang suspected.
Patuloy pa din pinapaalalahanan ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila ang lahat ng residente sa lungsod na manatili sa loob ng kani-kanilang mga tahanan at maging ligtas sa lahat ng oras.