Bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa Pasay City, pumalo na sa higit 400

Muling nakapagtala ng karagdagang sampung (10) pasyente na nakarekober sa Coronavirus Disease o COVID-19 ang Pasay City.

Sa datos ng Pasay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, nasa 401 na ang kabuuang bilang mga nakarekober at ang iba sa kanila ay natulungan na ng lokal na pamahalaan para makauwi na sa kani-kanilang mga tahanan.

Pumalo naman sa 700 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pasay City matapos makapagtala ng bagong 19 cases.


Nasa 428 ang probable at 20 ang suspected cases kung saan mula June 15 hanggang June 21, nananatili pa din sa 41 ang bilang ng namatay sa COVID-19 sa Pasay City.

Lahat ng confirmed cases ay patuloy na tinututukan ng lokal na pamahalaan kung saan patuloy na nagsasagawa ng rapid testing at swab test para matukoy ang ilang mga residente na nahawaan ng virus.

Muling nagpaalala ang Pasay City Government sa mga residente nito na manatili sa bahay, magsuot palagi ng face mask, pairalin ang physical distancing, maghugas palagi ng kamay at maging ligtas anumang oras.

Facebook Comments