Bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa Pasay, patuloy na nadadagdagan

Pumalo na sa higit 6,000 ang bilang ng mga residente sa Lungsod ng Pasay ang nakakarekober sa COVID-19.

Sa inilabas na datos ng Pasay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, nasa 6,300 na ang gumaling sa COVID-19 matapos makapagtala ng anim na bagong kaso kahapon.

Nadagdagan naman ng 12 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasay kaya’t nasa 157 na ang kabuuang bilang nito.


Umaabot na 6,630 ang kumpirmadong kaso ng virus habang nasa 173 ang bilang ng nasawi.

Bagamat tumataas ang bilang ng mga nakakarekober, patuloy pa rin ang paalala ng Lokal na Pamahalaan ng Pasay na mag-doble ingat ang publiko dahil hindi pa nawawala ang COVID-19 kung saan magsuot palagi ng face mask at face shield sa pagpunta sa mga malls, simbahan, palengke at iba pang establisyimento.

Facebook Comments