Umabot na sa 85% o katumbas ng 17,660 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City.
Ayon sa Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, sa ngayon 2,428 na lang ang active cases mula sa 20,671 na kabuuang bilang na nagpositibo sa lungsod.
Sa ngayon, abot na sa 583 ang bilang ng mga namatay habang nasa 19,169 naman ang mga suspected COVID cases.
Base sa datos ng Health Department, pinakamaraming naitala na confirmed cases ay sa District 4 na may kabuuang 4,332.
3,468 naman ang recoveries habang 98 ang namatay.
Pinakamaraming barangay naman na namatayan ay mula sa Barangay Batasan Hills na may 24 at Barangay Payatas na may 22 ang bilang.
Facebook Comments