Bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa Quezon city, umabot na sa 92%

23

Umabot na sa 92% o gumaling mula sa COVID-19 sa Quezon City.

Ayon sa QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit, mula sa 22,331 na total validated cases sa lungsod, 20,578 ang nakarekober.


Naitala naman sa 19,445 ang suspected COVID-19 cases batay na rin sa resulta ng mga ginawang contact tracing.

Mula sa naitalang pangkabuuang bilang ng nagpositibo, 1,116 na lang ang kumpirmadong active cases o ‘yong pwede pang makahawa.

Facebook Comments