Aabot sa 101,936 ang kabuuang bilang ng mga Pangasinenseng nakatanggap na ng kanilang national ID sa lalawigan ng Pangasinan ito ang inihayag Camille Carla Beltran, ang Regional Focal Person sa naganap na 3rd Annual Media Forum ng Philippine Statistics Authority.
Ipinabatid naman ni Beltran na sa mga nakatapos na ng kanilang registration subalit hindi pa nakatanggap ng PhilSys card na maaari nilang makita sa website ng Philippine Postal Corporation (Philpost) ang status kung nasaan na ba ang kanilang ID.
Samantala, maliban din sa door-to-door PhilID delivery ay inihahanda na rin ang PhilSys mobile ID sa 2022 na magsisilbing alternatibong digital ID ng mga registrants habang hinihintay ang PhilID cards. | ifmnews
Facebook Comments