Umaabot na sa 374,260 ang bilang ng mga residente sa lungsod ng Las Piñas na nakatanggap na ng kanilang second dose na bakuna kontra COVID-19.
Katumbas ito ng 83.7% na target na populasyon na dapat mabakunahan mula edad 18-anyos pataas
Nasa 422,300 naman ang bilang ng nakatanggap ng first dose kung saan nasa 94.5% ito ng target na populasyon.
Nabatid na nasa 787,768 ang kabuuang bilang ng mga bakuna nagamit ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas at pinakamarami sa mga nabakunahan ay pawang mga nasa A3 priority group o persons with commorbidities.
Sa ngayon, tuloy-tuloy ang vaccination program ng Las Piñas LGU kung saan ginaganap nila ang bakunahan sa dalawang hospital, limang mall at sampung community sites.
Facebook Comments