Bilang ng mga nakatanggap ng SAP sa Pasig, halos nakalahati na

Inihayag Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Pasig na halos nagkalahati na ang bilang ng nakatagap ng ayudang pinansyal mula sa Social Amelioration Program o SAP ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Ayon kay Pasig Mayor Vico Sotto, isa ang kanyang lungsod sa Metro Manila ang may pinakamabilis na pagbibigay ng SAP.

Pero aminado naman si Mayor Sotto na mayroon talagang mga delay sa distribution ng SAP sa kanyang lugar dahil naman sa ilang maliliit na detalye ng mga impormasyon ng mga beneficiaries nito, tulad may pangalan pero wala namang address.


Kaya naman pakiusap niya sa kanyang mga residente na konting tiis lang dahil gingawan na ang paraan ng Pasig Government upang mabilis at matapos na ito.

Babala naman niya sa mga residente nito na hindi kwalipikado sa SAP, pero nakatanggap ng pera na maaari, silang managot sa batas kung hindi nila ito isasauli at magpapade-listing

Tiniyak naman niya na pagmatapos na ang pamamahagi ng SAP sa kanyang lugar, isusunod naman niya ang pamamahagi ng tulong pinansyal doon sa hindi kasali sa SAP sa pamamagitan ng kanilang Pasig Social Amelioration Program o PSAP.

Matatandaan, kinumpirma noon ng alkalde na meron 93,000 na pamilya ang kwalipikado sa SAP ng DSWD.

Facebook Comments