Manila, Philippines – Aminado ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na dumami ang bilang ng mga nakukulong dahil sa pinaigting na kampaya laban sa ilegal na droga.
Sa datos ng BJMP, nasa higit 140,000 ang kanilang populasyon o halos 600-percent na congested ang mga kulungan.
90,000 sa populasyon ay may kasong kaugnay sa ilegal na droga.
Ayon kay BJMP Jail Director, Serafin Baretto Jr. – magpapatayo ng karagdagang detention facilities para masolusyonan ang siksikang kulungan.
Magdadagdag pa sila ng isang libong tauhan para magbantay sa mga dumaraming inmate.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments