Manila, Philippines – Umabot nasa 238 ang bilang ng mga baril na nakumpiska ng NCRPO sa Metro Manila kaugnay ng ipinatutupad na COMELEC gun ban.
Sa datos, 223 sa mga baril na ito ang nakuha sa serye ng police operations habang 15 ang nakumpiska sa mga checkpoint.
Pinakamarami o 77 sa mga nakumpiskang baril ay mula sa mga lugar na sakop ng southern police district.
Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar – tuloy lang ang paglalatag ng mga checkpoint at dagdag na mga police patrol para matiyak ang kaligtasan ng publiko.
January 13 nang simulan ang gun ban na tatagal hanggang June 12.
Facebook Comments