Bilang ng mga nalagas sa tropa ng pamahalaan, umakyat na sa labing lima habang 31 sa Maute Group sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City

Manila, Philippines – Umabot na sa 15 ang bilang ng mga sundalo at pulis na namatay sa pakikipagbakbakan sa pwersa ng Maute Group sa Marawi City.

Sa statement mula sa 1st infantry division ng Philippine Army – nitong Huwebes lamang anim na sundalo ang namatay sa labanan habang pito ang nasugatan.

Ayon kay Lt. Gen. Carlito Galvez, commander ng Western Mindanao Command – bukod pa ito sa naunang naitalang pitong sundalo at dalawang pulis na napatay noong Martes.


Sa kabuuan nasa 39 na ang nasugatan sa panig ng militar at pulisya.

Sa panig naman aniya ng Maute Terror Group, umakyat na sa 31 ang napapatay sa labanan.

Labintatlo (13) sa mga ito ang nasawi habang nagsasagawa ng clearing operations ang tropa ng mga sundalo sa dalawang tulay sa lungsod.

Sa ngayon – nagpapatulot ang pagtugis ng mga otoridad sa Maute Group para manumbalik na ang kapayapaan sa Marawi City at sa buong rehiyon ng Mindanao.

DZXL558

Facebook Comments