8 lamang ang naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) na binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19.
Sa ngayon, umabot sa 8,709 o 1.95% ang kabuuang nasawi sa bansa dahil sa pandemya.
1,504 naman ang mga bagong kaso kaya ang total cases na ay 447,329.
29,001 o 6.5% naman ang aktibong kaso ngayon sa bansa.
Umabot naman sa 409,329 o 91.6% ang kabuuang bilang ng mga gumaling matapos itong madagdagan ngayong araw ng 273 na recoveries
Ngayong araw, Davao City ang may pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19, sumunod ang Rizal, Quezon City, Santiago City at Bulacan.
Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng mataas na bagong kaso sa hanay ng mga Pinoy sa abroad na 591.
Bunga nito, ang total cases na ay 12,290 habang ang aktibong kaso ay 3,433.
13 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total fatalities na sa hanay ng overseas Filipinos ay 860.
Sa kabilang dako, nakapagtala naman ang DFA ng mataas na recoveries na 419 kaya ang total recoveries na ay 7,997.