Bilang ng mga Namatay dahil sa COVID-19 sa Isabela, Umakyat na sa higit 1,500

Cauayan City, Isabela- Umakyat na sa bilang na 1,523 ang naitalang namatay may kaugnayan sa COVID-19 sa lalawigan ng Isabela.

Ito ang kinumpirma ni Assistant Provincial Health Officer Dr. Arlene Lazaro ng Isabela Health Office.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Lazaro, kahapon, Oktubre 6, 2021 ng maitala naman ang 29 na namatay dahil sa COVID-19.


Giit pa nito, marami ang kabilang sa A2 priority group o mga senior citizen ang hindi pa rin nakakapagpabakuna dahil na rin umano sa takot ngunit mas kailangan ng mga ito ang bakuna laban sa banta ng nakamamatay na virus.

Bagama’t hindi lumalabas ng bahay ang mga senior citizen ay posibleng maapektuhan ang mga ito dahil naman sa mga miyembro ng kanilang pamilya na umaalis ng bahay.

Ibig sabihin malaki umano ang posibilidad na mapabilang sa mortality case dahil na rin sa kanilang mga iniindang sakit.

Samantala, naitala naman ang panibagong recoveries ng COVID-19 na nasa 801 at may kabuuang 43, 817 as of today, October 7, 2021.

Asahan naman umano ang halos sabay-sabay ng pagdating ng mga bakuna kontra COVID-19.

Sa pinakahuling datos ng IPHO, umabot na sa 176,743 indibidwal ang nakatanggap ng second dose ng bakuna.

Hinimok naman ni Lazaro ang kabilang sa mga priority group at iba pang sektor na magpalista na sa mga Rural Health Unit para mabigyan ng bakuna.

Facebook Comments