MANILA – Kinumpirma ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na mas kakaunti ang naitala nilang casualties sa pagtama ni bagyong Lawin kumpara sa nakaraang supertyphoon Yolanda.Sa inisyal na tala ng NDRRMC, walo (8) ang casualties kung saan apat ang naitalang patay sa Cordillera Region, tatlo sa region 3 at isa sa region 1 habang dalawa ang nawawala sa region 2.Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, sa ngayon ay patuloy na nilang bineberipika ang mga natatanggap nilang bilang mula sa mga lokal na disaster management office.Wala pa ring kuryente sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Apayao, Cagayan, Abra, Kalinga, Ilocos Sur at sa Mountain Province.Hirap din ang komunikasyon sa Quirino Province, Apayao, Kalinga at Abra.Sinabi naman ni Department Of Interior and Local Government Director Allan Tabell, kahit nakalabas na ang bagyo ay delikado pa ring bumalik sa mga alanganing lugar.Umabot sa higit 18 libong pamilya o 80 libong indibidwal ang lumikas.Pinasalamatan naman ng NDRRMC ang mga lokal na pamahalaan dahil sa maagang paghahanda sa pagpapatupad ng pre-emptive at force evacuation.Pinuri rin ng ahensya ang publiko dahil sa pagsunod nito sa mga payo ng pamahalaan.
Bilang Ng Mga Namatay Ng Superbagyong Lawin, Mas Kakaunti Kumpara Kay Bagyong Yolanda
Facebook Comments