Bilang Ng Mga Namatay Sa Avalanche Sa Afghanistan, Umabot Na Sa 104

13

Pumalo na sa 104 ang patay sa avalanche sa Afghanistan. Bunsod na rin ito ng ilang araw nang pagbuhos ng snow sa nasabing bansa. Ayon kay National Disaster Ministry Spokesman Mohammad Omar Mohammadi –ang 50 sa mga biktima ay galing sa isang barangay lamang sa Nuristan Province. Halos 200 kabahayan ang sinira ng avalanche habang maraming lansangan sa central at northeastern Afghanistan ang hindi madaanan. Patuloy ang rescue operation sa higit 70 katao pang na-trap mula sa gumuhong tipak ng yelo. Bukod sa Afghanistan, labing-tatlong katao rin ang patay sa avalanche sa karatig na Pakistan.

Facebook Comments