Bilang Ng Mga Namatay Sa Bakbakan Sa Basilan, Umabot Na Sa Tatlumput’ Isa (31), Morocan Bomb Expert, Kabilang Sa Mga Na

19

TIP TIPO, BASILAN – Dumating na sa Mindanao ang karagdagang scout ranger bilang dagdag pwersa sa nagaganap na engkwentro sa Tipo-Tipo, Basilan.Sa interview ng RMN kay Western Mindanao Command Spokesperson Major Filemon Tan, sinabi nito na umabot na sa labing tatlong (13) Abu Sayyaf ang napatay sa bakbakan kabilang ang isang Moroccan bomb expert na si Mohammad Khattab.Kasama din sa napatay ang anak ni ASG Leader Isnilon Hapilon na si Amah Hapilon.Sa report, unang pinasabugan ng landmine ng Abu Sayyaf ang tropa ng 44th Infantry Battalion (IB) na nagresulta sa 10 oras na sagupaan kung saan nasawi ang labing walong (18) sundalo.

Facebook Comments