Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na umaabot na sa lima ang mga namatay sa bansa sa Omicron variant ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang lima na binawian ng buhay ay pawang may comorbidities.
Tatlo aniya sa mga ito ay senior citizens na may comorbidities.
Isa rin sa kanila ay partially vaccinated, isa ang wala pang natatanggap kahit isang dose ng bakuna habang ang tatlo ay inaalam pa kung may bakuna o wala.
Una nang nagbabala ang DOH na delikado pa rin ang Omicron variant sa mga nakatatanda at may medical conditions.
Facebook Comments