Bilang ng mga namatay sa Brazil dahil sa walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan, umakyat na sa 54

Umakyat na sa 54 ang bilang ng mga namatay sa City of Belo Horizonte, Brazil dahil sa walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan.

Ayon sa mga otoridad, maraming sasakyan ang inabandona sa kalsada dahil nababalot na ng makakapal na putik ang lugar.

Aabot na rin anila sa 47,000 na mga residente sa mi-nas ge-ra-is ang sapilitan nang inilikas dahil sa walang tigil na pag-ulan simula pa nitong Biyernes.


Sa ngayon, nasa 117 millimeters (five inches) na ang lebel na baha sa lugar at 2.5 million katao na ang apektado.

Facebook Comments