Bilang ng mga namatay sa Delta variant, umabot na sa 75

46

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa 75 ang bilang ng mga namatay sa bansa sa Delta variant ng COVID-19.

Ayon sa DOH, 53 dito ay mga lalake at 22 ang mga babae, sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, na pinakamarami sa mga namatay na lalaki ay nasa edad 60 hanggang 69 at edad 50 hanggang 59.


Nasa apat naman ang namatay na menor de edad kabilang ang dalawang lalake at isang babae na nasa pagitan ng isang taon hanggang siyam na taong gulang.

Sa kabuuan, 2.48 percent ang case fatality rate base sa 3,027 na tinamaan ng Delta variant sa bansa

Facebook Comments