Cauayan City, Isabela- Umabot na sa 1,620 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kaso ng COVID-19 habang 531 ang nananatiling aktibong kaso ng virus sa lambak ng Cagayan.
Batay sa datos ng Department of Health Region (DOH) 02, limampu’t siyam (59) ang naidagdag hanggang kahapon, September 25, 2020.
Naitala pa rin ang pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Nueva Vizcaya na pumalo sa 37; 19 sa Isabela at 3 sa Cagayan.
Umabot naman sa 26 ang death case sa lambak ng Cagayan at pinakahuli dito ang isang 35-anyos na lalaki mula sa bayan ng Tuao.
Namatay ang pasyente dahil na rin sa may karamdaman ito na Hepatic Encephalopathy, UGIB secondary to Bleeding Esophageal Varices o ulcer, Liver Cirrhosis o sakit sa atay at nahirapang huminga dahil sa COVID-19.
Nananatili namang COVID-19 free ang lalawigan ng Batanes.