Northern California – Tatlumpu’t isa na ang mga namatay sa wildfire sa Northern California.
Aabot naman sa 400 tao pa ang nawawala, habang patuloy na nakakarekober ng mga bangkay mula sa mga bahay na tinupok ng sunog.
Dahil dito, itinuturing ng fire officials ang linggo na ito bilang “deadliest week of wildfires” sa kasaysayan ng California.
Sa datos, umabot na sa 3,500 na mga bahay at commercial structures ang tinupok ng apoy.
Samantala, nagsimula nang gumamit ng fire retardants, isang chemical para mapigil ang pagkalat ng apoy sa iba pang lugar, ang mga bumbero.
Facebook Comments