Bumagsak ang bilang ng nangangak at nagpakasal sa bansa noong 2020 ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ito ay matapos umabot lamang sa 1, 516, 042 ang naitala ng Commission on Population and Development (POPCOM) na bilang ng mga nanganak noong nakaraan taon at pinakamababa sa nakalipas sa 34 taon.
Higit na mas mababa ito kumpara sa 1.675 million sanggol na naipanganak noong 2019 na katumbas ng halos 9.43%.
Samantala, 240,183 na couples lamang ang naitalang nagpakasal noong 2020 na halos kalahati sa naitalang 431,972 marriages noong 2019.
Ayon sa PSA, ito na ang pinakamababang bilang ng mga nagpakasal sa nakalipas na 20 taon.
Paliwanag ni POPCOM Executive Director and Undersecretary for Population and Development (POPDEV) Juan Antonio Perez III, indikasyon lamang ito na marami nang babaeng Pilipino ang pinipiling huwag munang mag-anak, magdagdag ng anak o bumuo ng pamilya.