Karamihan ng mga kababaihan ang takot na magbuntis ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Ito ang inihayag ng Commission on Population kasunod ng mas mababang naitalang bilang ng mga nanganak ngayong taon kumpara noong 2019.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PopCom Executive Director Dr. Juan Antonio Perez na mula nitong Enero hanggang Marso ay nasa 268,000 lamang ang mga nanganak na mas mababa sa inaasahang higit 300,000 sa unang quarter ng 2021.
Ayon kay Perez, bukod sa pangamba sa healthcare system dahil sa pandemya ay mas marami ang gumamit ngayon ng family planning.
Kaugnay nito, inaasahan aniyang nasa 1.1 million lamang ang mga isisilang na sanggol sa buong bansa ngayong taon.
Facebook Comments