MANILA – Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong naninigarilyo sa bansa.Sa taya National Nutrition Survey, maraming Pilipino ang ayaw nang simulan ang bisyo dahil sa tumataas na presyo ng sigarilyo.Bumaba ng 23.3 percent ang populasyon ng mga naninigarilyo mula 31 percent noong 2008.Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, ito’y dahil sa pagpapataw ng karagdagang buwis sa mga sigarilyo o sin tax law.Pero hiling ng mga health advocates kabilang na si University of the Philippines College of Medicine Dr. Antonio Dans, doblehin pa ang buwis sa sigarilyo sa 60 pesos kada pakete.Kasabay nito, inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang amyenda sa sin tax law.Sa ilalim ng inaprubahang panukala, itataas sa 32 pesos kada pakete ang buwis sa murang brand at 36 pesos naman para sa mamahaling na sigarilyo.Pero hiling naman ni Finance Assistant Secretary Paola Alvarez, huwag na munang galawin ng mga mambabatas ang kasalukuyang batas.Pabor naman ang Department of Health na palakihin ang tax sa sigarilyo para lalo nang kumonti ang mga maninigarilyo.
Bilang Ng Mga Naninigarilyo Sa Bansa, Bumaba Dahil Sa Sin Tax Law. Department Of Health Pabor Na Doblehin Ang Buwis Sa M
Facebook Comments