Bilang ng mga naoospital dahil sa COVID-19, patuloy na bumaba – DOH

Naobserbahan ng Department of Health (DOH) ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga naoospital dahil sa COVID-19 sa nakalipas na linggo.

Ayon sa DOH, ang Intensive Care Unit (ICU) utilization rate sa buong bansa ay 30 percent nitong Pebrero 22 na mas mababa sa 51 percent noong Enero 22.

Sa ngayon, okupado ng mga pasyenteng may COVID-19 sa buong bansa ang 29 percent ng 3,800 na ICU beds; 25 percent ng 20,500 na isolation bed at 18 percent ng 13,900 na ward beds at 16 percent ng 3,000 na ventilators.


Habang nasa 25 percent ng 1,300 na ICU beds, 24 percent ng 4,600 na isolation beds at 25 percent ng ward beds at 17 percent ng 1,000 ventilators ang nagagamit sa National Capital Region (NCR).

Nilinaw naman ng DOH na ang naaantalang pagsusumite ng mga laboratory ay hindi nakakakaapekto ng malaki sa inilalabas na daily COVID-19 cases.

Facebook Comments