Bumaba pa ang bilang ng “weakened” guerilla fronts ng New People’s Army (NPA).
Ito ang iniulat ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año.
Ayon kay Año, mula sa 7 mahihinang guerilla fronts sa bansa bumaba na ito sa 5.
Dahil dito, tiwala ang opisyal na tuluyang mabubuwag ang NPA bago matapos ang 2024.
Aniya, ang pagsugpo ng armadong pakikibaka ng CPP-NPA ay hindi nangangahulugang tapos na ang laban.
Kailangan pa rin aniyang tutukan ang pag-iwas sa recruitment at patuloy na isulong ang dayalogo at konsultasyon sa iba’t ibang sektor.
Sa pinakahuling tala ng Armed Forces of the Philippines (AFP), umabot na sa halos 1,400 ang bilang ng mga miyembro at taga suporta ng Communist Terrorist Group ang napatay at sumuko sa pamahalaan.
Facebook Comments