Manila, Philippines – Umakyat na sa 100 ang bilang ng mga namamatay sa patuloy na bakbakan ng militar at Maute Group sa Marawi City.
Ayon kay AFP Pio Chief, Col. Edgar Arevalo – sa huling tala, nasa 61 miyembro ng teroristang grupo ang napatay kabilang ang anim na dayuhan, 20 naman sa panig ng gobyerno habang 19 sa sibilyan.
Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla – nagpapagaling pa rin sa ospital ang 39 na sundalong sugatan sa bakbakan.
Tiniyak naman ng militar na magpapatuloy opensiba at pagpapakawala ng artillery fire sa ilang lugar sa Marawi para mapabilis ang clearing operations.
Facebook Comments