Nagbabala ngayon ang grupong Human Rights Watch (HRW) sa pagtaas ng bilang ng mga napapatay na may kinalaman sa war on drugs ng Duterte administration ngayong panahon ng pandemya.
Ayon kay Carlos Conde, Asia Division Researcher ng HRW, tumaas ng 50 percent o 155 katao ang napatay na may kaugnayan sa drug war, simula ng ipatupad ang lockdown.
Ito ay naitala mula noong April hanggang July 2020 na mas mataas kumpara sa datos sa kaparehong buwan noong nakaraang taon na aabot sa 103.
Ang mga ito ay napatay umano sa mga isinagawang anti-drug operations ng otoridad.
Batay sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency, nasa 5,810 katao ang namatay sa anti-illegal drug operations ng pamahalaan, simula ng ipatupad ito noong 2016.
Facebook Comments