Bilang Ng Mga Napatay Na Myembro Ng Maute Group, Umakyat Na Sa Mahigit Animnapu

53

BUTIG, LANAO DEL SUR – Umakyat na sa animnapu’t isa (61) ang bilang ng mga nasawing myembro ng Maute group sa patuloy na operasyon ng militar sa Butig, Lanao Del Sur.Ayon kay Western Mindanao Command (WESMINCOM) Spokesman Major Filemon Tan, labing dalawang myembro naman ng mga bandido ang sugatan.Sa panig ng mga sundalo, umabot na sa tatlumpu’t lima (35) ang sugatan.Sa ngayon, halos siyamnapu (90) na ng bayan ng Butig ang nabawi ng militar matapos sakupin ng Maute group.Kabilang na ditto, ang lumang minusipyo ng butig kung saan nagtaas pa ng bandila ng ISIS ang mga bandido.

Facebook Comments