Bilang ng mga napatay sa ilalim ng Aquino Administration, mas marami kung ikukumpara sa mga napatay sa nagpapatuloy na war on drugs ng administrasyong Duterte

Kasunod ng paglabas ng report ng Amnesty International at Human Rights Watch sa kaso ng mga pagpaslang sa Duterte administration, binatikos ngayon ni Senator Alan Peter Cayetano ang dating pamahalaan sa ilalim ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

 

Ayon kay Cayetano – mas maraming bilang ng napapatay taun-taon sa Aquino administration kumpara sa Duterte administration.

 

Base sa datos na hawak ni Cayetano mahigit 77,000 katao aniya ang napatay sa loob ng anim na taong panunungkulan ni P-Noy.

 

Sa 32 percent sa mga kasong murder nung panahon ni P-Noy ay 18 percent lamang umano dito ang natukoy o nahuli ang mga suspek.

 

Sa loob din ng 6 na taon ng Aquino Administration, umabot sa mahigit 93,000 ang mga isinagawang anti-drugs operation, habang sa Duterte administration sa loob lamang ng 6 na buwan nasa mahigit 43,000 ang nailunsad na anti-drugs operation.

 

Binigyan katwiran naman ni Cayetano na sa mahigit 7,000 napatay na binabatikos ng mga human rights group, mahigit 2,500 dito ay napatay sa lehitimong operasyon habang mahigit 5,000 naman ang pinatay sa ibang insidente.




Facebook Comments