Bilang ng mga naputukan anim na araw bago ang Bagong Taon, umakyat na sa 52

Umakyat na sa 52 ang bilang ng mga naputukan ilang araw bago ang Bagong Taon.

Kabilang dito ang limang lalaki na kailangan ng putulan ng daliri o kamay dahil sa tinamong mga sugat.

Ayon kay Department of Health (DOH) Sec. Teodoro Herbosa, kinailangang maputulan ang limang lalaki matapos masabugan at 3 rito ay menor de edad habang dalawa naman ang matanda


Kasama sila sa 24 na naitala kahapon ng DOH na bagong kaso anim na araw bago ang bagong taon simula kahapon ng alas-6:00 ng umaga hanggang kaninang alas 9:00.

Samantala, ang insidente ay bunga ng paggamit ng iligal na boga, plapla, five star at goodbye Philippines at whistle bomb na pinakamarami sa NCR na may 20 kaso, pangalawa ang Region 3, anim na kaso at region 12 na limang biktima ng paputok.

Facebook Comments