Bilang ng mga naputukan, umabot na sa mahigit 800 –PNP

Inihayag ngayon ng Pambansang Pulisya na umakyat na sa bilang na 822 ang mga nasugatan dahil sa paputok bago ang pagsalubong ng Bagong Taon at hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga.

Ayon kay Philippine National Police o PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, dalawa ang naitalang nasawi, isa sa Region 1 at isa sa Region 7.

Paliwanag pa ni PGen. Fajardo na umaabot din sa 1,409 ang naitala ng PNP na kaso ng illegal possession, paggamit at pagbebenta ng iligal na paputok.


Habang tinatayang aabot naman ng mahigit sa P4 milyon na halaga ng paputok o nasa mahigit 600,000 na iligal na paputok ang nakumpiska ng PNP.

Dagdag pa ni Fajardo na sa 30 indiscriminate firing o walang habas na pagpapaputok ng baril, 24 na suspek ang naaresto ng PNP at pito ang patuloy na pinaghahanap ng mga alagad ng batas..

Umaabot naman sa 17 mga baril ang nakumpiska ng Pambansang Pulisya.

Facebook Comments