Isang araw bago ang bisperas ng pagsalubong sa taong 2020, umakyat na sa 54 ang bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok.
Ang naturang bilang ay mula December 21 hanggang kaninang alas sais ng umaga December 30.
Ayon sa DOH, ito ay mas mataas ng walong porsyento kumpara sa naitalang bilang ng mga naputukan sa kapareho ding panahoon noong 2018.
Sa 54 na mga naputukan, 21 ay mula sa NCR.
Walo sa mga biktima ay naputukan ng ipinagbabawal na piccolo.
Ayon sa DOH, sa 54 biktima, 28 o 52 percent ang tinatawag na active users at 32 o 59 percent ay nangyari sa kalsada.
21 sa mga biktima ay naputukan sa kamay at 14 ang nagtamo ng injury o pinsala sa mata.
Facebook Comments