Sumampa na sa 13 ang iniwang patay ng Bagyong Egay.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ngayong araw July 28, anim dito ang beripikado habang pito ang for validation pa.
Sa anim na confirmed deaths, lima ang mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) at isa sa Region 6.
Mayroon ding naitalang 12 sugatan at 20 nawawala.
Samantala, patuloy ring lumolobo ang bilang ng mga apektadong indibidwal.
Sa ngayon, nasa 140,923 pamilya o katumbas ng 502,782 na katao ang apektado mula sa 1, 612 na barangay sa Regions 1, 2, 3, 5, 6, 10, 12, CALABARZON, MIMAROPA, BARMM at CAR.
Sa nasabing bilang nasa halos 30,000 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa 479 na mga evacuation center.
Facebook Comments