Bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Jolina, umabot na sa 19

34

Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga napaulat na nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Jolina kaya umabot na sa 19 ang naitatalang nasawi.

Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, 3 sa mga ito ang kumpirmado habang 16 ang isinasailalim pa sa validation.


Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 24 na nasugatan habang nananatili sa lima ang napaulat na nawawala.

Nananatili naman sa 81,077 na pamilya o katumbas ng 313,399 na indibidwal ang apektado ng Bagyong Jolina sa mga lugar ng Central Luzon, National Capital Region (NCR), CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Eestern at Western Visayas gayundin sa SOCCSKSARGEN.

Facebook Comments