Bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Odette, pumalo na sa 375 batay sa datos ng PNP

113

Sumampa na sa 375 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), ang mga ito ay nagmula sa:

Region 6 – 24


Region 7 – 170

Region 8 – 6

Region 9 – 1



Region 10 – 7

Region 13 – 167


Nasa 500 naman ang naitalang nasaktan habang 56 ang kasalukuyan pa ring pinaghahahanap ayon sa PNP.

99,568 indibidwal naman o katumbas ng 30,065 pamilya ang kabuuang bilang ng mga dinala sa iba’t ibang evacuation centers.

Samantala, sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa 58 lamang ang bilang ng mga indibidwal na binawian ng buhay dahil sa bagyo.

Facebook Comments