Bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Aghon, umabot na sa 7

Dalawa ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Aghon.

Sa ulat mula kay CALABARZON Police Spokesperson PLt.Col. Chit Gaorian, pito na ang naitalang nasawi sa kasagsagan ng Bagyong Aghon sa lalawigan ng Quezon.

Tatlo sa mga ito ang nasawi matapos mabagsakan ng puno habang ang tatlo naman sa mga nasawi ay nalunod.


May isa ring ginang ang nadulas at tumama ang ulo na nasa injury list na ngayon ng PRO 4A.

Samantala, isa rin ang nasawi sa Naic, Cavite sa kasagsagan nang pananalasa ng bagyo.

Sa inisyal na ulat, nalunod umano ang biktimang si alias Jaymar, 16 yrs. old matapos lumangoy sa dagat kasama ang kanyang nakababatang kapatid.

Kaugnay nito, nananatiling isa pa lamang ang kumpirmadong nasawi sa datos ng NDRRMC.

Ayon kay Office of Civil Defense Spokesperson Dir. Edgar Posadas, sasailalim pa kasi ito sa beripikasyon bago maisama sa kanilang opisyal na talaan.

Facebook Comments