Manila, Philippines – Umakyat na sa 60 ang bilang ng mga nasawi sa San Lazaro Hospital sa Maynila dahil sa sakit na tigdas.
Sabi ni Dr. Ferdinand De Guzman, tagapagsalita ng ospital tatlo pang bata ang nasawi kagabi na may edad limang taong gulang pababa.
At as of 6 AM ngayong araw, nasa 257 measles cases na ang naitala sa San Lazaro Hospital.
Habang kinumpirma rin ng Mandaluyong Medical Center ang patuloy na pagdagsa ng mga pasyenteng may tigdas.
Ngayong Pebrero, pito na ang naka-confine sa ospital at pinakahuli rito ang 8 months old na isinugod lang kahapon.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III – wala pa silang natatanggap na report tungkol sa bagong kaso ng pagmatay dahil sa tigdas sa San Lazaro.
Pero panawagan niya sa mga magulang, huwag nang hintayin pang lumala ang kondisyon ng kanilang mga anak bago isugod sa ospital.