Bilang ng mga nasawi dahil sa tigdas, umakyat na sa 146

Manila, Philippines – Umakyat na sa 146 ang bilang ng mga pasyenteng nasawi dahil sa tigdas.

Mula ito sa mahigit 9,267 kaso ng tigdas sa buong bansa simula nitong Enero batay sa datos ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Usec. Eric Domingo – mahigit 800 measles cases ang naitala sa loob lang ng dalawang araw.


Ang CALABARZON pa rin ang may pinakamataas na kaso ng tigdas na may 2,310 sumunod ang National Capital Region (NCR) na may 1,937 cases at Central Luzon na may 1,387 cases.

Bukod sa mga bata, apektado na rin ng sakit ang ilang adult patient.

Sa San Lazaro hospital pa lang sa Sta. Cruz, Maynila, sumampa na sa 38 nakatatandang pasyente ang tinamaan ng tigdas hanggang kahapon.

Ayon kay San Lazaro Hospital Spokesman Dr. Ferdinand de Guzman – hindi nagpabakuna noong kanilang kabataan ang mga Matandang nagkasakit at nahawa ang mga ito sa kanilang mga anak.

Facebook Comments